Bilang ng nasawi sa COVID-19 sa CALABARZON ngayong buwan, umakyat na sa 73

51

Pumalo na sa 73 ang bilang ng nasawi sa CALABARZON ngayong Agosto, dahil sa COVID-19.

Sa datos ng Health Education and Promotion Unit of DOH-Calabarzon, nangunguna ang Cavite sa listahan ng COVID-19 deaths, na may 19 na nasawi ngayong buwan, habang sinundan naman ito ng Batangas at Laguna na parehong may 18 na nasawi, Rizal na may 8, at Quezon na may 5.

Kasunod nito ay umakyat na rin sa 4,369 ang aktibong kaso COVID-19 sa CALABARZON, mula sa 733 na aktibong kaso ng COVID-19 noong Hulyo 1.


Matatandaang umabot sa 89 ang nasawi sa rehiyon noong Hulyo dahil sa COVID-19.

Facebook Comments