Grupo ng pabo, umaatake sa isang bayan sa New Jersey

Wild turkeys sa Holiday City. PHOTO COURTESY: 100.1 WJRZ

Inirereklamo ng mga residente sa isang bayan sa New Jersey ang pananakop umano ng grupo ng mga pabo.

Sinasabing nasa 40 hanggang 60 ang bilang ng mga pabo na nanggugulo sa dating tahimik na Holiday City, komunidad ng mga may edad 55 pataas sa Ocean County.

Ilan lang sa mga reklamong natatanggap ng awtoridad ay mga pabo na umaakyat sa mga bubong at mga basag na bintana gawa na mga ibon.


Nagiging agresibo at may balak din umanong manuka ang mga ito tuwing sinusubukang bugawin ng ilang residente.

Kadalasang may bigat na 7 hanggang 10 kg ang mga pabo na kayang tumakbo sa bilis na 20 miles per hour.

Ayon naman sa pamunuan ng lugar, wala silang kapangyarihan na pigilan ang mga ibon dahil hindi sila lisensyadong humuli ng wildlife o buhay-ilang.

Bagaman alam ang nangyayari, wala namang komento mula sa Department of Environmental Protection.

Facebook Comments