Grupo ng professional license Customs brokers, hindi babawiin ang kanilang suporta sa Pangulo sa kabila ng problema sa BOC

Manila, Philippines – Nanindigan ang grupong Professional License Custom Brokers Association of the Philippines Incorporated na hindi sila nagsisi sa pagsuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kabilang ng nararanasan nilang problema sa Bureau of Customs (BOC).

Ayon kay Aduana Business Club Incorporated Vice President Abraham Aby ay hindi nila pinagsisihan na si Pangulong Duterte ang kanilang sinuportahan sa nakaraang election sa kabila ng nangyayari sigalot sa BOC.

Paliwanag ng grupo marami naman umanong nagbago gaya nalamang sa mga natotokhang na mga drug addict.


Giit ni Aby, ang dapat na tutukan ni Lapeña ang sistema sa loob ng BOC at hindi ang mga personnel na nagtatrabaho lamang sa ahensiya.

Facebook Comments