Grupo ng sibilyan, pinagbabaril ng Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu; Isa, patay

33

Pinagbabaril ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang grupo ng sibilyan kahapon ng tanghali sa Patikul, Sulu.

Ito ang kinumpirma ni Western Mindanao Command Commander Lieutenant General Corleto Vinluan Jr.

Aniya, batay sa report sa kaniya ni Brigadier General Ignatius Patrimonio ng 1102nd Infantry Brigade, nasa sakahan ang grupo ng sibilyan at inaani ang kanilang mga produkto ng sila ay pagbabarilin ng hindi mabilang na mga miyembro ng bandidong ASG.

Dahil sa pamamaril, agad nasawi ang isang miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team na kinilalang si Tali Lakibul.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang militar sa mga nanambang na mga Abu Sayyaf.

Tiniyak ni Vinluan na mabibigyang hustisya ang nangyari sa mga sibilyan.

Matatandaang una nang ideneklarang persona non grata ng Patikul, Sulu ang Abu Sayyaf Group dahil sa walang awang paghahasik nang gulo sa kanilang lugar.




Facebook Comments