ILIGAN CITY- Umapela kay Presidente Rodrigo Duterte ang sultan at datu ng marawi city at lanao del sur na tulongan ang iba pa nilang mga kaanak na naiipit ngayon sa giyera sa pagitan ng mga sundalo at maute group. Ito’y matapos mag-iisang buwan nang sumiklab ang kagulohang nangyayari sa lungsod ng marawi. Emosyonal na nananawagan si Engr. Mamasaranao Mulok, sultan ng pagaya lanao del sur kay Presidente Duterte na itigil muna ng opensiba nang militar at magkaroon ng ceasefire para sa kapakanan ng kanilang mga kaanak na uhaw at gutom na naiipit sa kagulohang nangyayari sa marawi. Ayon kay Mulok, marami ng sibilyan ang nadadamay sa kagulohan ngayon sa marawi kayat hiling nila kay presidente digong na kung maaari ay magkaroon ng negosasyon sa pagitan ng gobyerno at nang mga teroristang gropo na sa kanilang paniniwala ay solusyon para mapatigil ang kagulohan sa marawi.(GHINER L. CABANDAY, RMN-DXIC ILIGAN)
| | Virus-free. www.avast.com |
Grupo ng sultan at datu ng Marawi City at Lanao Del Sur umapela ng negosasyon at ceasfire kay Presidente Duterte
Facebook Comments