Iminungkahi ng grupong Lawyers for Commuters safety and Protection sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang mga pasaway na operator ang patanimin ng puno.
Kung maalala naglabas ng Memorandum Circular (MC) ang LTFRB na dapat magtanim muna ng puno ang mga operator bago makakuha ng prangkisa.
Ayon kay Atty. Ariel Inton, pinuno ng nasabing grupo, panahon na para isama sa penalty ang pagtatanim ng puno para sa mga pasaway na driver at operator.
Naniniwala si Inton na bukod sa madisiplina ang mga driver at operator makakatulong din sa kalikasan ang nasabing programa.
Facebook Comments