Cebu Pacific, magpapatupad na ng “Test Before Boarding” system sa mga bibiyahe patungong General Santos City

113

Inanunsyo na ng Cebu Pacific ang pagpapatupad nila ng Test Before Boarding (TBB) sa mga pasahero.

Partikular ang pagsasailalim sa mga pasahero sa antigen testing sa airport bago ang kanilang flight.


Layon nito na maiwasan ang panganib sa COVID-19 infection.

Nilinaw rin ng CebuPac na ang mga pasahero lamang na may negative antigen test results ang papayagan na sumakay ng eroplano.

Ayon pa sa CebuPac, nakikipag-ugnayan na rin sila sa local government ng General Santos City at sa Philippine Airport Diagnostic Laboratory (PADL), para sa pilot TBB sa December 03, 2020 kung saan magkakaroon ng two-week trial period.

Facebook Comments