Manila, Philippines – Naghain ng petisyon sa Dept. of Justice si Running priest Father Robert Reyes kasama ang Student Council Alliance of the Philippines.
Layon nitong hilingin ang pagpapa-inhibit kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II sa imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay Kian Lloyd delos Santos.
Ayon sa grupo, prejudged na ni Aguirre ang kaso matapos nitong sabihin na ang pagkakapatay kay Kian ay pinalaki lamang at ang mga testigo ay na-brainwashed.
Hiniling din ng grupo sa Office of the Ombudsman na mag-take over o hawakan ang preliminary investigation sa kaso.
Samantala, naniniwala si Father Robert Reyes na mayroong nasa likod ng pakikipagkita ng pamilya Delos Santos kay Pangulong Duterte.
Pinabulaanan din ni Fatrher Reyes na hinarass niya ang mga kasapi ng Volunteers Against Crime and Corruption.