Lalaki, patay matapos pagtulungang bugbugin

ParaƱaque City – Binugbog hanggang sa mapatay ng apat na magkakaanak ang isang lalaki sa ParaƱaque City.

Kinilala ang biktima na si Jonathan Sudaria, empleyado ng isang electronics at aircon repair shop.

Sa ulat, pinagtawanan ng biktima ang suspek na si Julius Palaganas matapos itong sumemplang kung saan nagkaroon sila ng komosyon.


Sa gitna ng pagtatalo, dumating ang dalawang kapatid ni Julius na sina Paul at Jomar kasama ang pinsan na si Rolando Santos saka pinagtulungang bugbugin ang biktima hanggang sa mapatay ito.

Sinubukan pang tumakas ng mga suspek subalit nasakote din sila ng mga pulis kung saan inaaresto din ang ama ng mga ito na si Marcial dahil sa obstruction of justice.

Facebook Comments