Manila, Philippines – Inamin ng grupo ni Kerwin Espinosa na hinihilamusan nila ng efficascent oil ang mga kontrabandong dine-deliber para hindi ma-detect ng drug sniffing dogs.
Ayon kay senior state prosecutor Juan Pedro Navera, ibinunyag mismo ito ni Marcelo Adorco sa pagdinig ng Manila Regional Trial Court Branch 51 kaugnay kasong conspiracy to commit illegal drug trade na isinampa ng Department of Justice (DOJ).
Sinabi pa ni Navera na ikinuwento rin ni adorco sa korte na sya ang inuutusan ni Kerwin Espinosa para sa drug transaction kina Peter Co at Lovely Impal.
Isinasagawa anya nila ang transaksiyon sa isang supermarket sa Osmeña Highway sa Makati at sa isang ospital sa Maynila.
Kapag natanggap na anya nito ang mga shabu ay ibinibiyahe niya ito patungong Leyte gamit ang kotse ni Kerwin.
At para makalusot sa mahigpit na police checkpoint at hindi maamoy ng mga drug sniffing dogs ang mga kargamento nito sa kotse, pinapahiran nya ng efficascent oil ang nakabalot ng shabu.
Ibinunyag din aniya ni Adorco na nagde-deliver din siya ng shabu sa piitan sa Leyte kung saan nakakulong noon si Kerwin.