Manila, Philippines – Hindi pa makababalik sa trabaho ang grupo ni PSupt. Marvin Marcos kahit na sila ay nakalaya na matapos makapagpyansa sa kasong pagpatay kay Dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos, wala pang linaw ang kanilang kasong Administratibo.
Hindi pa raw inilalabas ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa ang desisyon batay sa rekomendasyon ng PNP Internal Affairs Service.
Sa panig ng IAS, sinabi ni Atty. Maria Lynnberg Constantinopla na isinumite na nila kay General Bato ang kanilang rekomendasyon sa kaso.
Una nito ay ibinaba ng Baybay City RTC ang kasong Murder sa Homicide nina Marcos, kayat nakalaya na ito kasama ang 18 iba pa.
Facebook Comments