Manila, Philippines – Mariing kinondena ng grupong Anakbayan ang pakikialam umano ng Amerika sa giyera sa Marawi City.
Ayon kay Anakbayan National Secretary General Einstein Recedes wala umanong tunay na hiwalay na polisiya ng mga dayuhan sa ilalim ng Duterte Admnistration dahil patuloy na nakikialam ang Amerika sa problema ng bansa.
Paliwanag ni Recedes dismayado sila sa pananatili ng Estados Unidos sa bansa partikular na tinuran ng grupo ang Balikatan Exercises, VFA at EDCA kung saan pinipilit ng mga dayuhan na mananatili sa lupain ng Pilipinas.
Giit ng Anakbayan pinaplano na ng kanilang grupo ang pagsasagawa ng sunod sunod na kilos protesta lalo na sa SONA ng pangulo sa July 24 upang iparating ang kanilang mga hinaing na hindi pa rin natutugunan ng Duterte Administration.