GRUPONG BANTAY BIGAS SANG AYON NA BITAWAN NA NI PBBM ANG PAGIGING SECRETARY NG DA

Kaisa ang grupong Bantay Bigas sa Pilipinas ng mga grupong nanawagan kay Pangulong Bongbong Marcos na bitawan na ang pagiging Kalihim ng Department of Agriculture.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estabillo, sinabi nito panahon na para magtalaga ng isang tao na tututok talaga sa mga problema ng hanay ng agrikultura.
Madami naman aniya sila kilala at willing ang Bantay Bigas na magbigay ng kanilang magiging suhestiyon sakaling hilingin ang kanilang panig sa usapin ng pagtatalaga ng bagong DA Secretary.
Ayon pa kay Estabillo, hindi na din nasunod ang mga naunang plano sa agrikultura kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bigas sa merkado.
Facebook Comments