PRE-ORIENTATION SA SIGN LANGUAGE PARA SA MGA MAGULANG NG MGA DEAF AT HARD OF HEARING SA ALAMINOS, ISINAGAWA

Nagsimula isagawa ang isang Pre-Orientation sa Sign Language para sa mga kapatid na Deaf at Hard of Hearing sa Alaminos City.
Ito ay para sa paghahanda sa magaganap na General Assembly for the Deaf cum Socialization sa ika-14 ng Nobyembre 2022 na bahagi ng selebrasyon ng Deaf Awareness Week 2022.
Layunin ng naturang orientation na mabigyan ng kaalaman ang mga magulang at tagapag-alaga ng mga deaf at hard of hearing people na may programa para sa kanilang mga anak, kapatid, asawa, kamag-anak, kaibigan at kakilala na may ganitong kondisyon.

Bawat barangay naka-iskedyul mula Oktubre 24, 2022 hanggang Nobyembre 9, 2022 at gaganapin sa Opisina ng Persons with Disabilities dito sa lungsod ng Alaminos.
Naisakatuparan ang programa na ito sa pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office. |ifmnews
Facebook Comments