Grupong Bayan kinondena ang agresyon ng US laban sa Iran at Iraq

Mariing kinokondena ng Bayan ang agresyon ng US laban sa Iran at Iraq.

Sa kalatas pambalitaan,sinabi ng Bayan na Iligal at labag sa international law ang ginawa ng US na asasinasyon sa isang Iranian general at Iraqi militia commander. Hindi katanggap-tanggap ang airstrike at assassination ng mga kalaban bilang patakaran ng sinumang bansa. Dapat kondenanhin ng UN ang ginagawa ng US.

Marapat din na kondenahin ng gobyerno ng Pilipinas ang naging aksyon ng US na labag sa batas at nagpapahamak sa buong rehiyon ng Middle East.


Dagdag ng grupo, ang ginagawa ng US ay destabiliasasyon ng rehiyon na magkakaroon ng malalang epekto sa mamamayan ng Middle East kasama na ang mga migranteng Pilipino at magreresulta din ito ng pagtaas ng presyo ng langis.

Ginagamit naman ni Trump ang gera  sa Iran para ilihis ang atensyon ng publiko sa US sa harap ng impeachment complaint at nalalapit na US Elections sa Nobyembre 2020.

Gusto ni Trump na magmukha  siyang  matapang na lider sa harap ng mga kalaban ng US.

Hangad ng US na isulong ang imperyalistang agenda nito na makontrol ang Middle East at ang langis sa Rehiyon.

Facebook Comments