Grupong bayan, maghahain ng reklamo sa MWSS laban sa Manila Water

Maghahain ng reklamo ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa tanggapan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa Lunes para mapanagot ang water concessionaire na Manila Water.

Ito’y dahil sa umano’y naging paglabag nito sa obligasyon matapos magkaroon ng water shortage noong isang linggo.

Ayon sa bayan, isang paglabag sa contractual obligation ang nangyari dahil hindi nakapagbigay ng abiso na “uninterrupted” o walang palyang serbisyo ang Manila Water sa mga konsumer nito.


Ihihirit din nila  ang suspensiyon ng water bill para sa Marso bukod pa sa pagbawi sa naunang naaprubahang water rate hike, at iba pang parusa alinsunod sa kontrata ng Manila Water.

Iginigiit din ng grupo na dapat magkaroon ng public hearings upang magkaroon ng partisipasyon ang publiko na siyang naperwisyo ng water shortage.

Facebook Comments