Pinapatalsik na sa Kamara ng League of Parents of the Philippines ang mga leftist Partylist Representative.
Nagtipon tipon kanina sa harap ng Batasan Pambansa Ang mga miyembro ng LPP upang ipanawagang maimbestigahan ang Bayan Muna, Gabriela,Kabataang at ACT Partylist groups dahil sa kanilang ibinibigay na suporta sa NPA
Giit ng grupo, minamaniobra ng mga leftist solons ang kanilang mga hakbang na ma-rescue o maibalik sa kanilang mga magulang ang mga nawawalang mga estudyante ng UP at iba pang pamantasan.
Binigyang diin ng grupo na dahil sa panlilinlang ng mga front organizations ng NPA, humihinto sa pag aaral ang mga kabataan at nahihiwalay sa kanilang mga pamilya.
Nagharap din ng petition paper ang grupo sa committee on Welfare and Children, Committee on Human Rights at Committee on Justice na umaapela na disiplinahin ang mga leftist solons sa Kamara.