Grupong bayan umapela na pakinggan muna si alyas bikoy

Nananawagan ang grupong Bagong Alyansang Makabayan sa Senado na bigyang pagkakataon si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na maglahad ng kanyang nalalaman at mga ebidensyang kanyang hawak.

Ayon sa grupo hayaan munang maghain ng affidavit si alyas Bikoy upang malaman kung hanggang saan ang kanyang nalalaman hinggil sa umano’y kalakaran ng ilegal na droga na ang utak umano ay ang pamilya Duterte

Hirit ng bayan pag-aralan munang mabuti ang mga sasabihin ni Bikoy, kapag napatunayang may batayan, dito na magsampa ng pormal na reklamo.


Paliwanag pa ng grupo ito ang dapat na prosesong sundin sa halip na ito ay patahimikin at agad na tugisin.

Facebook Comments