Grupong BGLV, Pabor sa pagsusulong ng Federal Government ni Pangulong Duterte

Cauayan City, Isabela- Pabor ang grupong Brotherhood Genuine Leaders and Volunteers sakaling mabago ang konstitusyon sa pagiging Federal Government.

Ito ay sa kabila ng pagsusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sistema ng gobyerno ng maupo ito sa kanyang pwesto na pinakamataas na pinuno ng bansa.

Ayon kay BGLV Regional Chairman Casan Calil, sakaling magpatuloy man sa panunungkulan ang pangulo ay higit nila itong ikakatuwa dahil sa ilang nagawang pagbabago ni Pangulong Duterte sa bansa.


Aniya, kapit-kamay ang kanilang grupo para ipanawagan ang kanilang pagpabor sa pederalismo ng gobyerno.

Kinumpara din ni Calil ang gobyerno sa isang sirang eroplano na kahit palitan aniya ang piloto kung talagang may sira sa mga kasamahan ay hindi magiging maayos ang takbo ng isang administrasyon.

Bukod dito, ang grupo ay sumasalamin sa kanilang adbokasiya na tumulong sa kanilang kapwa at ipanawagan ang kanilang pagpabor sa lahat ng aksyon ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments