Senator Gatchalian, naka-self quarantine dahil sa direktang exposure kay Senator Zubiri

Nagpasya si Senator Sherwin Gatchalian na magself-quarantine makaraang magpositibo muli sa COVID-19 si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Ito ang dahilan kaya hindi na itinuloy ni Gatchalian ang pagpunta sa Batasang Pambansa para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa halip ay umuwi siya sa bahay at nagself-isolate.

Ayon kay Gatchalian, nagkaroon siya ng direktang exposure kay Zubiri na kasabay niyang naglunch kanina.


Bago magkasama sa Senado kanina, ay parehong sumailalim kahapon sa COVID-19 swab test sina Gatchalian at Zubiri.

Negatibo naman ang resulta ni Gatchalian.

Facebook Comments