Grupong Bisaya Gyud, kabilang sa naghain ng CONA ngayong araw

Naghain na rin ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ang Bisaya Gyud Partylist

Pinangunahan ito ng kanilang first nominee na si Victorino Garay.

Ayon kay Garay, tinatanggap nila ang hamon na maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagsusulong ng tamang atensyon sa mga kababayan niyang Bisaya sa aspeto ng pagkain, pabahay at edukasyon.


Sinabi pa ni Garay na lumalawak ang agwat ng pag-unlad dahil na rin sa kakulangan ng oportunidad sa kanayunan na aniya’y nagiging dahilan para mapilitan ang mga kababayan niyang makipagsapalaran sa Metro Manila o di kaya ay sa ibang dagat.

Nangako rin ang Bisaya Gyud Partylist na sisikapin nilang mapunan ng mas maraming oportunidad ang sektor ng agrikultura, negosyo, sining at kultura ang mga Bisaya upang hindi na sila makipagsapalaran sa highly urbanized areas.

Napapanahon na aniya para pagtuunan ng pansin ang countryside development at gamit ang kanilang plataporma ay ilalapit nila ang mga Bisaya sa mga programa at serbisyo ng gobyerno para matugunan ang problema sa kahirapan.

Facebook Comments