Grupong CLAMOR, dismayado sa pagpabor ni Pangulong Duterte sa mga mayayamang haciendero

Manila, Philippines – Ikinadismaya ng grupong Coalition for Land Against Martial Law and Oppression o CLAMOR sa pagkatig ni Pangulong Duterte sa mga mayayamang may-ari ng mga lupain sa mga lalawigan.

Ayon kay dating Agrarian Reform Secretary Radael Paeng Mariano nalulungkot umano ang mga mahihirap na magsasaka sa patuloy na pagkatig ni pangulong Duterte sa mga haciendero sa halip na pakinggan ang mga hinaing ng mga mahihirap na magsasaka.

Paliwanag ni Mariano ipinatutupad niya ang tunay na Agraryo sa kanyang panunungkulan bilang dating kalihim ng Dept. Of Agrarian Reform pero ang ikinadismaya nito ay inilaglag siya ng Administrasyong Duterte matapos umanong ibasura ng Commission On Appointment ang kanyang kumpirmasyon.


Giit ni Mariano marami sana siyang mga magagandang programa para sa mga magsasaka subalit dahil sa hindi siya nakumpirma ng CA kaya naudlot umano ang kanyang mga programa.

Facebook Comments