Grupong FFW nanawagan na tuldukan ang 5 dekadang armed conflict sa bansa

Umapila ang grupong Federation of Free Workers (FFW), 24 na araw bago mag-Pasko na tigilan na ang karahasan at pagpatay sa bansa na gawa ng mga makakaliwang grupo o maging sa pwersa ng gobyerno.

Ayon kay FFW President Atty. Sonny Matula, ang Nagkaisa Labor Coalition ay sumusuporta sa direktiba ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na rebisahin ang military protocol sa paghawak ng mga bangkay o napapatay na katawan ng mga rebelde kasunod ng pagkamatay ng anak ni Rep. Eufemia Cullamat na si Jevilyn sa bakbakan ng militar sa Surigao del Sur.

Paliwanag ni Atty. Matula, napapanahon ng busisiin ng husto ang Military and Police Manual sa pagtrato ng mga napapatay na rebelde.


Giit ni Atty. Matula sa pagpasok ng holiday season dapat pag-aralan ng gobyerno at ng rebeldeng grupo ang kanilang istratehiya at taktika sa 52 taon ng armed conflict kung saan mahigit 30 libong Pilipino na ang dumanak ng dugo.

Facebook Comments