Grupong Gabriela, binatikos si House Speaker Pantale on Alvarez dahil sa pagkakaroon ng girlfriend at maraming anak sa iba’t-ibang babae

109

Manila, Philippines – Hindi ikinatuwa ng grupong Gabriela ang mga naging
asta ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ito’y matapos aminin ni Alvarez na mayroon niyang girlfriend kahit siya’y
kasal pa.

Ayon kay Gabriela Representative Emmie De Jesus – nakababahala at
kahiya-hiya ang tila pagyayabang ni Alvarez sa pagkakaroon niya ng
karelasyon at mga anak sa iba’t-ibang babae.

Igiinit ni Alvarez – handa niyang harapin ang mga kasong disbarment laban
sa kanya.

Sinabi ni De Jesus – aalamin nila kung may nalalabag na ethical standards
ang House Speaker.

Nabatid na naungkat ang personal na buhay ni Alvarez matapos niyang
sampahan ng kasong graft ang dating kaibigan na si Davao Del Norte
Representative Antonio Floirendo.

Isa sa nagpasiklab sa away ng dalawang kongresista ay ang away ng kanilang
mga karelasyon sa Maskara Festival sa Bacolod City nang dahil sa upuan.

Nation”

Facebook Comments