Yumaong ina, emosyonal na inalala ni Pangulong Duterte sa Digong’s Day of Women kagabi

26

Manila, Philippines – Emosyonal na kinalala ni Pangulong Rodrigo Duterte
ang kanyang ina na si Soledad “Soling” Roa Duterte sa kanyang talumpati sa
Digong’s Day of Women sa Malacañang kagabi.

Sinariwa ng Pangulo ang mga hirap na a pinagdaanan ng kanyang ina para
mabuhay ang kanilang pamilya.

Ayon kay Duterte – masakit para sa kanya na pumanaw ang kanyang ina nang
hindi man lamang siya nakita bilang Presidente ng Pilipinas.

Labis din aniya ang tiwala at suporta na ipinakita ng kanyang ina at siya
rin ang naging sandalan niya lalo na sa mga oras na kinakailangan niya.

Binigyang-diin din ng Pangulo na sakali man pumanaw siya ay mas pipiliin
niyang mailibing sa tabi ng puntod ng kanyang ina sa halip na ilibing siya
sa Libingan ng mga Bayani.

Facebook Comments