Grupong Greenpeace – nagkilos protesta sa tanggapan ng DENR sa Quezon City…mga miyembro – kinadena ang sarili bilang pagsuporta kay dating DENR Sec. Gina Lopez

Manila, Philippines – Bilang pagsuporta kay Gina Lopez kinadenang mga miyembro ng Greenpeace Philippines ang kanilang mga sarili sa gate ng Departmentof Environment and Natural Resources sa Quezon City.
  Kasabay ito nang pagdedeklara nila na “not open forbusiness” ang ahensya makaraang ibasura ng Commission on Appointments angkumpirmasyon bilang kalihim ni Lopez.
  Ayon kay Yeb Saño, Executive Director ng GreenpeaceSoutheast Asia – ang pagkilos ay pagpapakita nila ng pagtutol sa patuloy napagkontrol nang malalaking korporyasyon sa gobyerno ng Pilipinas para itulakang kanilang interes.
  Giit ni Saño, hindi sila aalis sa kanilang mgakinalalagyan hanggang hindi natutugunan ang kanilang mga hiling, tulad nalamang nang re-appointment kay Lopez at ilabas ng CA ang listahan ng kanilangnaging botohan.
  Samantala, suportado naman ng DENR Employee’s Union angginawang protesta ng grupong Greenpeace.
 

Facebook Comments