Grupong Kadamay at Piston, nagsagawa ng sariling bersyon ng SONA sa Quezon City

Ilang linggo bago ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nagsagawa ng sariling bersyon ng SONA ang grupo ng mga maralita sa Quezon City.

Pinangunahan ng grupong Kadamay at PISTON ang bersyon nila ng SONA na “State of the Urban Poor Address” na isinahawa sa isang terminal ng jeep sa ilalim ng Katipunan Flyover.

Ayon kay Mimi Domingo, Secretary General ng KADAMAY, bago pa mag-SONA si Pangulong Marcos ay gusto na nilang iparinig at iparating ang hinaing ng sektor ng mga maralita.


Gaya ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo na nakakaapekto sa presyo ng bilihin na isa sa pinakamatinding kinakaharap ngayon ng mga mahihirap.

Nais nilang tugunan ng bagong administrasyon ang pag-control sa walang habas na pagtaas na presyo ng mga bilihin at ng mga produktong petrolyo.

Gayundin ang pagtupad nito sa kaniyang pangako na gawing bente pesos ang kada kilo ng bigas.

Facebook Comments