Grupong Kadamay, hindi aalis sa Mendiola hanggat hindi pinakikinggan ng gobyerno

Manila, Philippines – Naninidigan ang grupong Kadamay na hindi sila aalis sa ginawa nilang labing limang araw na pagkakampo sa harapan ng Mendiola Bridge hanggat hindi pinagbigyan ang kanilang kahilingan sa Duterte Administration.

Ayon kay Virgie Del Rosario purok lider ng Manggahan Floodway East Bank kung hahayaan umano ni Pangulong Duterte na hindi resolbahin ang pagpapalayas at paggiba sa kanilang mga tahanan sa Manggahan Floidway sa East Bank ay mas nanaisin pa nila umanong manirahan sa paanan ng Malakanyang upang ipakita sa gobyerno ang kanilang matinding naranasan.

Paliwanag ni Del Rosario dapat bigyang pansin ni pangulong Duterte na ilaan sa mamamayan ang lupain ng Floodway, Serbisyo hindi negosyong pabahay at katarungan para sa mga biktima ng demolisyon at sapilitabg pagpapalayas sa kanila.


Giit ng grupo hindi makatarungan ang ginawang demolisyon ng gobyerno kung saan mahigit isang libong bahay ang giniba at tinatayang nasa 500 hanggang 700 pamilya ang nawalan ng tiraan noong Oktubre 18 at 20 taong kasalukuyan matapos wasakin ng mga demolition team ang kanilang mga tahanan.

Facebook Comments