Manila, Philippines – Nakukulangan pa ang grupong KADAMAY sa naging resulta ng kanilang dayalogo sa national housing authority kahapon.
Sa nasabing pulong, nagkasundo ang dalawang grupo na hindi muna ituloy ang eviction notice para lisanin ng mga miyembro ng KADAMAY ang higit limang libong housing units sa Pandi, Bulacan.
Sinabi ni NHA Spokesperson Elsie Trinidad, pag-aaralan pa nila kung pwedeng magamit ng KADAMAY ang nasa 20-libong bakanteng pabahay na nakalaan sana para sa mga tauhan ng AFP at PNP na hindi interesadong kunin.
Pero giit ni Bea Arellano, National Chairperson ng KADAMAY — bilang mga miyembro ng maralitang taga-lungsod ay malinaw na lehitimo silang benepisyaryo ng pabahay.
Samantala, nanawagan naman si Bagong Alyansang Makabayan Sec.Gen. Renato Reyes kay Pangulong Rodrigo Duterte na pumagitna na sa isyu at resolbahin ang aniya’y housing crisis sa bansa.
Facebook Comments