Grupong Kadamay, pinaghahandaan na ang isasagawang kilos protesta sa SONA ng Pangulo

Manila, Philippines – Isang araw bago ang State of the Nation address ng Pangulo, mag titipon-tipon na agad ang grupong Kadamay sa QC para sa isasagawang kilos prostesta.

Ayon kay Bea Arellano National President ng Kadamay, bigo ang administrasyong Duterte na mapagaan ang sitwasyon ng mahihirap pero hindi pa muna sila magbibigay ng grado sa performance dahil umaasa pa ang Kadamay na sila ay maririnig ng gobyerno bago ang SONA.

Kabilang na dito ang usapin sa Endo, pagtigil sa demolition, at pagtatanggal sa amortization para sa mga pabahay ng pamahalaan.


Samantala, base sa plano ng Kadamay sa July 23 magtitipon muna sila sa UP Diliman OSA Agham Road at pagsapit ng july 24 araw ng SONA ng Pangulo, magsasagawa sila ng demonstration sa National Housing Authority bago tumulak sa Batasang Pambansa.

Facebook Comments