Manila, Philippines – Sumugod sa tanggapan ng National Housing Authority (NHA) ang mga miyembro ng grupong Kadamay.
Kasama ng grupo ang ilang maralitang tagalungsod at ang mga pinalayas na mga residente sa Muntinlupa Parañaque, Taguig at Pasay.
Ipinoprotesta ng grupo ang pag-demolish at pagsasa-pribado ng ilang lugar sa Barangay 184 lungsod ng Pasay.
Ayon kay Danmer John de Guzman, Secretary General ng kadamay sa National Capital Region, dapat mabigyan ng gobyerno ng disenteng bahay at trabaho ang mga maralitang taga-lungsod.
Iginiit pa niya na dapat ay magkaroon muna ng maayos na relocation bago mag-demolish ng bahay ang pamahalaan.
Bukod dito, binatikos din ng grupo ang kaltas sa 1.4 billion pesos na inilaan na budget ng pamahalaan para sa mass housing mula sa orihinal na 1.97 trillion pesos budget para sa Build Build Build Program ng arministrasyon.
Nasa 20 na malalaking demolisyon sa Metro Manila ang inaasahan ng Kadamay ngayong taon, gayunpaman tatapatan rin umano nila ito ng mas malawakan at malakihang mga demonstrasyon.