Pangulong Duterte, hindi sini-single out si Mayor Mabilog ng Iloilo City

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng MalacaƱang na hindi sini-single out ni Pangulong Rodrigo Duterte si Iloilo City Mayor Jed Mabilog.

Ito ang sinabi ng MalacaƱang sa harap na rin ng paglilipat ng Philippine National Police kay Police Chief Inspector Jovi Espinido sa Iloilo City bilang hepe ng pulis doon.

Mayroon kasing lumalabas na ispekulasyon na kaya inilagay si Espenido sa Iloilo City ay dahil kay Mayor Mabilog na ayon kay Pangulong Duterte ay hindi natanggal sa kanyang mga narcolist o drug list.


Ayon kay Presidential Spokesman Ernsto Abella, walang katotohanan ang mga lumalabas na ispekulasyon dahil kaya lang naman nabanggit ng Pangulo ang pangalan ni Mabilog ay dahil sa impormasyong hawak nito.

Nanawagan naman si Abella sa publiko na makiisa sa pamahalaan sa kampanya laban sa iligal na droga sa pamamagitan ng mga police operations na iginagalang ang mga batas ng bansa at karapatang pantao.

Facebook Comments