Grupong Karapatan, nanawagan na ilabas na ang 4 na desaparecidos ni Duterte

Manila, Philippines – Kasabay ng paggunita sa International Day of the Disappeared, nanawagan ang grupong Karapatan na palutangin na ng pamahalaan ang “Duterte’s desaparecidos”.

Tinukoy ng Karapatan ang apat na biktima ng enforced disappearance sa Mindanao sa ilalim ng Duterte administration.

Kabilang dito sina Davis Mogul, Makil Bail, Saypudin Rascal at Jennifer Yuson.


Ayon kay Roneo Clamor, Deputy Secretary General ng grupo, Nobyembre noong nakaraang taon nang nagsimula na ang pagdukot sa mga aktibista sa Mindanao at nagpatuloy ngayong taon sa southern tagalog.

Ang malala pa aniya, ang mga militar na dapat ay tagapagtaguyod ng hustisya ang mismong dumukot sa mga biktima.

Paggigiit naman ni Concepcion Empeno, chairperson ng Desaparecidos, dapat ay aksyunan ni Duterte ang pagkawala ng mga katutubo at panagutin ang nasa likod nito.

Facebook Comments