Grupong Karapatan, pinalagan ang utos ni Pangulong Duterte na arestuhin ang mga hindi maayos na nagsusuot ng face mask

Inalmahan ng grupong Karapatan ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga di maayos magsuot ng face mask.

Ayon kay Cristina Palabay, Secretary General ng Karapatan, hindi nito maibaba ang kaso ng COVID-19 sa bansa dahil mas magkakahawahan kung ilalagay pa ang mga violators sa mga detention cell na grabe na ang siksikan.

Masyado rin aniyang malupit ang parusa at tiyak na mga maralita lang ang matatamaan sa gagawing mass arrests ng mga violators ng mga health at quarantine protocols.


Nangangamba ang grupo na magamit ang polisiya para gipitin umano ang mga tumutunggaling boses

Ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay bunga umano ng gobyerno na magpatupad ng scientific, people-centric, and rights-based measures.

Facebook Comments