Grupong Kontra Daya, nagkasa ng protesta sa labas ng Comelec

Nagkasa ng maikling protesta sa labas ng Commission on Elections (Comelec) ang grupong Kontra Daya hinggil sa ilang mga sinasabi nilang kapalpakan ng komisyon.

Ilan sa mga ito ay ang naging problema sa overseas online voting na hindi maipaliwanag ng Comelec.

Giit ng grupong Migrante, kulang sa pagpapakalat ng impormasyon ang Comelec hinggil sa bagong online voting system kung kaya’t nagkaroon ng ilang mga technical problem.

Sa kabila naman ng pagpapatawag ng Comelec sa mga lumalabag sa patakaran, hindi naman masolusyunan o ginagawan ng paraan ang isyu ng red tagging sa ilang mga kandidato.

Muling panawagan ng Kontra Daya, ikonsidera sana ng Comelec ang hybrid na bilangam ng boto upang maiwasan ang manipulasyon ng resulta.

Facebook Comments