Mga sistemang gamit ng COMELEC para sa 2025 midterm elections, nabigyan na ng sertipikasyon

Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na lumabas na ang international certification kaugnay sa mga sistemang gagamitin sa 2025 midterm elections.

Kinumpirma ito ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na nagsabing inilabas ng Technical Evaluation Committee ang pagsusuri nito na matagal nang hinihintay ng komisyon.

Kabilang sa mga sinuri ay ang automated counting machine at iba pa na bahagi ng sistema para sa maayos na botohan sa May 12, 2025.

Sinabi pa ni Garcia na ilalabas nila ito sa website ng komisyon upang mabasa ng stakeholders, technical experts, interest parties at political groups.

Ipo-post din ng Comelec sa kanilang website ang nasabing sertipikasyon upang mabasa at malaman ito ng publiko.

Facebook Comments