Nagkasa ng kilos-protesta ang ilang miyembro ng grupong Kontra Daya sa labas ng tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Maynila.
Ito’y upang ipanawagan na resolbahin na ng Comelec ang alegasyon nagkatoon ng dayaan noong 2022 elections.
Iginiit pa ng grupo, isagawa muli sana ng komisyon ang recount ng mga balota na una nang iminungkahi ni dating Department of Information and Communications Technology (DICT) acting Secretary Eliseo Rio Jr.
Bukod dito, huwag na rin daw sanang tanggapin pa o tutukan ng Comelec ang ilang mga panlolokong isinasagawa hinggil sa People’s Initiative (PI) para mabago ang 1987 Constitution na pinangunahan naman ng grupong PIRMA.
Hindi rin pabor ang Kontra Daya sa bidding na ikinakasa ng Comelec kung saan sangkot ang kontrobersyal na technology provider Miru Systems para sa 2025 elections dahil kwestyonable ang kompanyang nasa likod nito.