P8.1 milyong halaga ng giant taklobo, narekober ng PCG sa Palawan

 

Aabot sa 336 na piraso ng fossilized giant clam shells o taklobo o manlet ang narekober ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Barangay Sebaring, Balabac, Palawan.

Ayon sa PCG, nagkakahalaga ang taklobo sa P8.1 milyon.

Nai-turn over na ang mga narekober na taklobo sa local government unit para sa kustodiya.


Hindi naman matukoy ng PCG kung sino ang may-ari ng mga narekober na taklobo.

Facebook Comments