Grupong LABAN TNVS, umapela sa LTFRB na i-regulate ang komisyon ng mga TNC

Nananawagan ang grupong LABAN TNVS sa Land Transportation Franchising and Regulator Board (LTFRB) na dapat i-regulate ang komisyon ng mga Transport Network Companies o TNC.

Ayon kay LABAN TNVS President Jun de Leon, umaabot na sa 41% ang kinakaltas na komisyon at discount mula sa mga Transport Network Vehicle Service o TNVS driver.

Paliwanag ni De Leon, simula noong March 1, 2024 ay nagpatupad ang isang TNC na ipinasa na nila sa driver ang discount mula sa estudyante, senior citizen at person with disability o PWD.


Dahil dito, mula sa dating 21% na awtomatikong kinakaltas na commission at discount sa mga driver ay magiging 41% na ito.

Hindi pa kasama rito ang gastos ng driver sa gasolina, boundary at maintenance sa sa sasakyan.

Kaya sobrang liit na umano ang kinikita ngayon ng mga TNVS driver.

Sa halip na ipasalo sa mga driver angel komisyon at diskwento ng mag pasahero dapat ang mga TNC ang sumasalo nito lalo pa’t tubong lugaw umano ang mga kompanya na ito.

Umaasa sila na kikilos ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr) upang displinahin ang mga TNC na pinapahirapan ang mga TNVS driver.

Facebook Comments