Grupong magsisiyasat sa sitwasyon ng Human Rights sa Pilipinas, binuo na

Bumuo na ng samahan ang ilang grupo at Civil Society Organizations para magsiyasat sa sitwasyon ng Human Rights sa Pilipinas.

Ang grupo ay inoorganisa ng US-based International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) na binuo ng isang komisyong tinatawag na “InvestigatePH”.

Kinabibilangan ito ng mga kinatawan mula sa grupo ng mga abogado at mananampalataya maging ang mga trade unions mula sa United States, Canada at Australia


Maliban sa kanila, kabilang din sa binuong samahan ang mga kinatawan mula sa; US-based National Lawyers’ Group (NLG), International Association of Democratic Lawyers (IADL), United Church of Canada, World Communion of Reformed Churches, at ang United Methodist Church sa Estados Unidos.

Ilan naman sa mga grupo sa Pilipinas na sumama sa samahan ay ang; National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), Rise Up at ang Grupong Karapatan.

Ang balak na pagbuo ng InvestigatePH ay nagsimula noong October 2020 sa UN Human Rights Council na layong suportahan ang Pilipinas para sa promosyon ng Human Rights.

Facebook Comments