Hindi sinuportahan ng grupong Manibela ang panawagan ng ilang transport group na surge fee tuwing rush hour.
Ayon kay Manibela chairman Mar Valbuena, wala namang mekanismo o app ang mga jeep at bus katulad nang sa mga TNVS.
Kung ipipilit ay posible lamang itong magdulot ng away sa pagitan ng tsuper at pasahero.
Dagdag pa nito, dapat ding intindihin ang sitwasyon ng mga pasahero dahil kakataas lamang ng pamasahe ngayong buwan.
Facebook Comments