Pasang Masda, ALTODAP, ACTO, humirit sa LTFRB ng surge fee sa gitna ng mataas na presyo ng produktong petrolyo

Pormal nang humiling ang ilang transport group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng surge fee sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa mga grupong Pasang Masda, ALTODAP at ACTO, nais nilang humirit ng pisong dagdag singil sa jeep at dalawang piso sa bus tuwing rush hour.

Anila, mas mataas kasi ang operating cost sa krudo tuwing rush hour partikular tuwing alas-5:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.


Mababatid na halos tatlong piso ang itinaas ng presyo ng oil products na ipatutupad ngayong araw.

Facebook Comments