Grupong Manibela, inupakan ng DOTr kasunod ng akusasyon na hindi inaaksyunan ng departamento ang hinaing ng mga tsuper

Inupakan ng Department of Transportation (DOTr) ang anila’y akusasyon ng grupong Manibela na hindi raw inaaksyunan ng DOTr ang mga hinaing ng public utility vehicle (PUV) drivers at operators.

Ayon sa DOTr, sa katunayan, sa mga nakalipas na linggo ay sunod-sunod ang kanilang konsultasyon sa PUV drivers at operators hinggil sa concerns ng mga ito tulad ng Local Public Transport Route Plan (LPTRP).

Kasama aniya nila sa konsultasyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ang Office of Transportation Cooperatives (OTC).


Naging patas din anila ang ipinatutupad ng LTFRB sa Omnibus Franchising Guidelines (OFG) sa mga korporasyon at kooperatiba.

Hinamon din ng DOTr ang grupong Manibela na maglabas ng mga ebidensya sa kanilang alegasyon.

Naniniwala rin ang Transportation Department na nais lamang ng Manibela na magpapansin sa media kaya ito magwewelga.

Facebook Comments