Warehouse na nagtatago ng mga smuggled na karne sa Bulacan, ni-raid ng mga awtoridad

Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Department of Agriculture (DA), Bureau of Customs (BOC) at Philippine Coast Guard (PCG) ang isang bodega sa Meycauayan City, Bulacan.

Ito ay dahil sa pag-iingat nito ng mga smuggled na karne na pinaniniwalaan din na recycled na dahil sa wala nang label.

Nangangamoy na ang mga kahon-kahong karne nang maabutan ito ng mga awtoridad.


Agad naman na ikinarga ang mga karne sa truck ng National Meat Inspection Commission para matiyak na hindi na ito maibebenta sa merkado.

Nakipagtulungan din sa raiding team ang lokal na pamahalaan ng Meycauayan City.

Facebook Comments