Grupong Manibela, itutuloy ang huling araw ng tigil-pasada bukas dahil sa hindi malinaw na usapan sa LTO at LTFRB kaugnay ng kanilang prangkisa

Hindi pa rin nakakuha ng malinaw na sagot ang grupong Manibela kaugnay ng kanilang prangkisa matapos makipagdayalogo sa Land Transportation Office (LTO) kahapon at sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong araw.

Sa panayam ng DZXL-RMN Manila kay Manibela President Mar Valbuena, pinababalik pa sila bukas ng LTFRB para ituloy ang dayalogo.

Kaya naman, habang itinutuloy ang dayalogo ay magsasagawa pa rin sila ng tigil-pasada.

Nanindigan si Valbuena na magsasagawa pa sila ng mga kilos-protesta hangga’t hindi sila mabibigyan ng provisional authority para makapasada.

Samantala, muli namang pinaralisa ng grupong Manibela ang pasada ng mga jeep sa ikalawang araw ng transport strike.

Sinabi ni Valbuena na maraming hindi makasakay na pasahero kaninang umaga matapos hindi bumiyahe ang kanilang mga miyembrong tsuper.

Facebook Comments