Cagayan De Oro, Philippines – Pinakawalan na ng grupong New People’s Army ang pulis na kanilang binihag, na nakilala sa pangalan na si PO2 Anthony Natividad, na na destino sa kalilangan municipal police station.
Ginawang ang nasabing turn over kahapon ng umaga sa Barangay Dominorog, Talakag, Bukidnon.
Ayon kay Bishop Felixberto Calang, ng IFI na malaking tulong nito ang ginawagang liham ni Cagayan De Oro City Mayor Oscar Moreno, bilang chairman ng regional peace and order council noong Abril 23 nitong taon, na tinawag nitong expression of aspiration.
Maaalala na noong Pebrero 9, nitong taon ng binihag ng mga taga CPP-NPA-NDF si PO2 Anthony Natividad, habang ito ay sakay sa kaniyang motor, at patungo sa lugnsod ng Cagayan De Oro, para kumuha ng NBI clearance.
Samantala, malaki ang pasasalamat ni PO2 Natividad at kaniyang pamilya sa tulong ng mga opsiyal para maibalik sa kanilang piling si PO2 natividad na humigit 2 buwan na binihag ng mga NPA.
Sa kabila nito, planong bumalik ni PO2 Natividad sa kaniyang tungkulin bilang pulis.
DZXL558