Hinamon ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na huwag palampasin sa kanyang pagbisita sa China para igiit ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon sa grupo, dapat igiit ng pangulo kay Chinese President Xi Jinping na ipatigil ang presensya ng mga Chinese militia at malalaking barkong pangisda nito kung saan may mga Pilipinong mangingisda.
Binigyan-diin ng grupo na hindi dapat isantabi ni Marcos Jr., ang mahalagang usaping ito para lamang makakuha ng dayuhang puhunan at pautang mula sa China.
Nais din ng PAMALAKAYA na pagbayarin ang China sa mga pinsalang iniwan sa karagatan ng Pilipinas sa pagtatayo nila ng istraktura doon.
Facebook Comments