DA, planong maglaan ng karagdagang cold storage facilities para sa mga magsasaka ngayong 2023

Target ng Department of Agriculture (DA) na maglaan ng dagdag na cold storage facilities para sa mga magsasaka ngayong 2023.

Ayon kay DA Asec. Kristine Evangelista, nakapaloob na ang pondo para sa pagbili ng cold storage facilities sa naaprubahang 2023 budget ng kagawaran.

Balak naman ng DA na ipahawak ang cold storage facilities sa farmer’s cooperatives.


Sa pamamagitan nito, mas mapapahaba ang panahon ng pag-iimbak ng mga produkto ng mga magsasaka.

Facebook Comments