Grupong PAMALAKAYA, iginiit na gawing permanente ang temporary ban sa imported fish

Welcome o katanggap-tanggap sa grupong PAMALAKAYA ang ipinatupad na temporary ban sa ilang imported na isda sa mga lokal na wet market.

Gayunman, nakukulangan dito ang grupo.

Ayon sa PAMALAKAYA, dapat ay gawin na itong aktwal na polisiya kung saan permanente nang ipagbabawal ang importasyon ng isda.


Nais ng grupo na repasuhin na ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang Fisheries Administrative Order 195 dahil nagsisilbi itong legal na basehan para bumaha ang mga imported na isda sa merkado.

Facebook Comments