International visitors sa bansa, umabot na sa halos 2.4 milyon ngayong 2022

Kabuuang 2,397,919 ang mga turista na galing sa ibang bansa ang nagtungo sa Pilipinas ngayong taon.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), karamihan sa international visitors na dumating sa bansa ngayong taon ay mula sa U.S. na umabot sa 447,278.

Pangalawa ang South Korea na 374,097 at sumunod ang Australia na 118,228.


Ikaapat naman sa foreign tourists ay mula sa Canada na 109,041 at ikalima ang United Kingdom na 90,196 visitors.

Umabot naman ang tourism revenues o ang kita mula sa turismo sa P130 bilyon.

Sinabi ng DOT na nakatulong ang pagluluwag sa travel restriction at health policies sa pagbuhos ng mga turista sa Pilipinas.

Facebook Comments